VaGue Desire: literature.life.dream.

 

 


:: ABOUT :: AIKA :: GUESTBOOK ::


 2004 © Aika Pascual

Vague Desire

Limang minuto

Alam nyo ba kung ano ang pinaka pangarap ko sa buhay, bukod sa ubusin lahat ng mapagsamantalang tao sa mundo? Ang magkaroon ng banda.

 

Oo banda...yung combo kung tawagin ng ibang tao  (yung mga medyo bata-bata samin-sarcastic tone).

 

Siguro masyado lang akong malapit sa musika. Yung pinanganak ata ako, kumakanta na ako...(ay hindi pala...di nga pala ako marunong kumanta).

 

Seryosos na. Nahilig ako sa banda nung mga bandang 5th grade. Pinaka una kong nabili na tape (hindi pa masyado uso ang cd) ng banda eh Parokya ni Edgar. Wala lang. Nakakaaliw kasi. Parang ang saya saya mapabilang sa isang banda. Yung tipong magpo posing kayong magkakaibigan para ma picturan tapos meron kayong malaking malaking poster na bibilhin ng mga fans nyo tapos papapirmahan sa inyo. ‘Di ba parang exciting yun?! Parang kakaiba yung attention na makukuha mo.

 

Pero … sa totoong buhay, hindi ko na-imagine ang sarili ko na nasa stage at nagigitara. Siguro, kasi kuntento na akong manood sa ibang tao. Hindi ko talaga na picture ang sarili ko sa lugar ng mga paburito kong gitarista. Pinagarap ko, pero hindi ko talagang inakalang magkakaroon iyon ng realidad.

 

(Eto na talaga ang buong kwento. May koneksyon na talaga ‘to sa istorya ko!) Sinabi sa akin isang araw ni Dang (kaibigan ko) na magkakaroon nga raw ng Battle of the Bands sa school. Ako naman, kiber, pero deep inside, gusto kong sumali. Ang problema, wala akong kasama … ang hirap naman ata na magtayo ako ng bandang AKO lang, di ba.

 

Eh di talagang kinalimutan ko yun. Kasi ang pagkakaalam ko narin talaga dun eh hindi pinayagan ng Admin. Besides, masyado akong maraming ginagawa para dagdagan ko pa ang problema ko.

 

Hanggang isang araw, lumapit sakin si Lui (kaklase ko). At sinabi sa aking (drum roll please…) “aika, gitara ka naman sa banda namin…” gitara ka naman sa banda namin…gitara ka naman sa banda namin….at paulit ulit itong tumugtog sa ulirat ko na parang musika na masarap namnamin…(Pero hindi ko pinahalata yun, kunwari, tatanggi ako, para pakipot effect)

 

Ako: ako?bakit ako? Si Pat nalang!

Lui: sige na, ikaw na

Ako: (pakipot parin) eh…(bumigay narin) sige na nga…ano ba tutugtugin?saan practice? Sino kasama natin?(at iba pang walang katapusang tanong….hindi naman halatang excited ako…)

 

Eh di yun! Officially, asa banda na ako!

 

Kakaiba yung banda namin! Alam mo ba kung bakit? Kasi dalawa lang ang ka close ko dun. yung 3, hindi na talaga.

 

Ang mga myembro ng combo namin: Jheanelle: bokalista…Lui:Drumer…Chok: Bahista…Levit:isa pang bokalista… Abu: Rhythm guitar…Aika: pa cute na back up dancer.

 

Masaya. Yun lang ang masasabi ko.

 

(Jump na ko sa conclusion ng nangyari sa Battle of the Bands kasi ayaw ko ng balikan yun.)

 

Natalo kami. Period.

 

Tapos na po ang article na ‘to…salamat po sa pagbabasa. Maligayang Araw……..

 

 

Dapat talaga, tapos na. Kaya lang itutuloy ko narin.

 

Nung mismong Battle, lahat kami kabado. Lalo na si Jheanelle. Nakatugtog naman kami ng maayos, may konting buhol buhol lang sa bandang gitna. Lahat kami, nagkamali. Ayus lang yun…

 

Pagkatapos, umiiyak na si Jheanelle…lahat kami tulala…as in tulala…

 

Pagka uwi ko nun… nag text sa akin si Jheanelle. Sabi nya sakin, mamimiss nya raw kami…salamat daw sya dahil kami naging ka banda nya… sorry daw, sya naging bokalista namin sya…

 

Ako naman, syempre, nag-palubag loob. Sabi ko sa kanya, hindi naman nya kasalanan. Pati, Ok lang naman yung tugtug namin … masaya din ako dahil sila naging kabanda ko dahil nagkaroon kami ng bonding.

 

Oo. Bonding. (seryoso na po itong parte na ito). Nasabi ko nalang sa kanya, na hindi ko talaga lubos maisip na nasabi ko pala yun, na panalo kami. Sobrang panalo kami.

 

Ang panalo naming dun eh yung nabigyan kami ng pagkakataon na makajamming, at most importantly, makasama sa loob ng ilang araw ng practice at makilala ang mga taong hindi naming inaasahan. Oo, langit at lupa ang pagitan ko sa kanila. Yung dalawa nga sa kanila,  hindi ko talaga napapansin. Sa mata lang kami naguusap. Iba iba kami ng social status…May iba sa amin na tipong “Crush ng Bayan/mr Popular” (hindi po ako yun) . yung isa samin, hindi talaga nagsasalita(lalong hindi ako yun), yung isa, parang may mikropono sa lalamunan (diba hindi ako yun?), at yung isa, aadik adik parati(ako ba yun?).  pero, sa loob ng panahon na yun, nagkaroon kami ng koneksyon sa isa’t isa. Nagkaroon ng chemistry. Nagkaroon ng bond.

 

Imagine mo nalang: babae ka. Ang kasama mo sa isang kwarto, isa pang babaeng bakla, at 4 na hunks (wah! Wag lalaki ang ulo!) na iba iba ang personality. Tatlong guitara at isang CD player. Isang kama at maraming unan. Isang pool table. Maraming pagkain.

 

Ganon ang scenario namin. (magtataka ka pa ba kung bakit kami natalo?)

 

Yung tipong, parang naglalaro nalang kami…parang hindi kami sasali ng contest. Kulitan parati. Tuloy, lumalabas yung totoong tao sa katauhan ng mga kabanda ko. Yung mga Levit, Chok, Lui, Abu, Jheanelle, at Aika na hindi nila nakikita sa school. Yung nalaman ko na maingay pala yung sinasabi kong hindi nagsasalita at sya ang pinaka maloko saming lahat. Na talagang “punctual” lang yung isa sa amin. Na matatakaw talaga kaming lahat. Na ang least expected ko na tao na masisiraan ng ulo eh kumakausap pala ng isda.  Yung nagiging crush ni Jheanelle si --- tuwing may practice at munitakan nya na itong gahasain.Yung kahit pilitin na naming magseryoso dahil contest na kinabukasan, tatawa parin kami.

 

Kinikwento ko sa mga kabarkada ko yung mga joke joke joke na pinag gagagawa namin. Habang nagkwekwento ako, napapatitig nalang sila sakin. Ewan ko lang kung hindi talaga sila makarelate sa kwento ko o hindi sila makapaniwala na nagagawa yun ng mga kabanda ko.

 

Nagtataka nga ako minsan. Hindi ba nila naisip na ang lalakas ng tawa namin paminsan, pero yung mga katawanan naming eh totally, hindi naming ka close. Nagulat nga rin ako nung, isang gabi, papauwi na kami. Eh ako lang yung iba yung daan. Hindi na nila ako nahatid kasi may importante rin silang pupuntahan(dalawa nalang kasama ko nun). Naalala mo yung sinabi ko kanina na yung dalawa sa kabanda ko eh hindi ko talaga napapansin? Yung isa dun. sinabi sakin “ok ka lang sa paguwi, ah? Pag may nangharang sayo, hatawin mo ng gitara!”.  Weird, pero nakakataba ng puso, since, hindi talaga kami naguusap nito, at ito pa ang una nyang sinabi sakin. Wala lang.

 

Marami akong natutunan sa kanila: na hindi pa ubos ang gentlemen sa mundo; na may kapaguran din ang mga lalaki; na may mga tao na hindi tumatanggi sa grasya, kahit mag mukhang makapal ang mukha; na masarap mag practice lalo na kena Abu kasi masasarap ang pagkain; na mahilig talaga ang mga lalaki sa kotse; na mahilig ang mga lalaki sa sapatos; na kahit habang buhay laging late ang isang tao, minsan, nauuna rin sya sa lahat; na matatakaw talaga ang mga lalaki!

 

Masarap magkaroon ng banda. Iba ang dating kapag nasabihan kang “naks!mustah banda nyo?”. Iba yung atensyon na makukuha mo sa ibang tao. Iba  yung pakiramdam pag nasa stage ka na at may hawak ka ng gitara. Basta iba.

 

Pero sa likod ng  limang minuto na nakatayo kami at nagja-jam sa stage, may mga kwento na kaming anim nalang ang nakakaalam.

 

Dun ko lang natanto na sa pagbabanda, hindi ang popularidad ang pinakamasarap na parte. Kung hindi yung nagkaroon ako ng kabanda. Masaya pag may mga tao na kasama ko ring masaya. Kahit na talo sa contest. Kasi alam naming na minsan, sa isang maliit at magulong kwarto, nakilala namin ng lubos ang isa’t isa. Minsan, sa isang maliit at magulong kwarto, may mga private jokes na nabuo. Minsan, sa isang maliit at magulong kwarto, nagtawanan kaming lahat. Minsan, sa isang maliit at magulong kwarto, may pangarap na natupad.

 

Minsan, sa isang maliit at magulong kwarto, may bandang nabuo.

 

Siguro, balang araw, bubuo ulit ako ng banda. At gusto ko, hindi ko kakilala ang mga kabanda ko.

 

 

 writers don't talk, they write